Hay graveh! A busy week it has been. Kailangan ko pumunta ng Binan para mag-asikaso ng ilang bagay...bad-trip nga lang walang access sa Internet dun. Lahat ng cards ayaw daw mag-connect. I smell something fishy tuloy. Feeling ko lang talaga sinasabotahe ng Digitel ang kanilang lines. Wish ko lang!

Eleksyon na pala ngayon! Kaya lang di ako nakapag-parehistro...at besides I don't feel like voting. Di ko trip magpakahirap pumila at makipagsiksikan sa madlang people para magpa-register...Ang wish ko lang talaga sana kung sino man manalo eh karapat-dapat sa position na tinakbuhan niya, but I think it'll happen if pigs can fly...Sad to say pero ganun talaga...Hay!!!
Currently listening to: Mar Roxas' campaign jingle...
Currently reading: sample ballot
Currently feeling: manhid
Posted by Unggoy on May 10, 2004 at 06:07 AM | 2 banana peelings
Ayan. May part 2 pa pala....

Eto pa nakakainis. Na-late ako sa first test ko kanina lang. 3 ung start ng exam, at anong oras na ako nakarating? 4. A-l-a-s-k-w-a-t-r-o-n-g-h-a-p-o-n. Ang may sala? B-a-n-g-g-a-a-n. Bwiset talaga. Imbes na dapat tapos na ako at bakasyon ko na eh kailangan ko pang pumasok bukas. Grrrr!

Pero nawindang ako sa nasaksihan ko habang nakasakay sa jeep. First tym ko. First tym ko nakasaksi ng live na hugutan. Hugutan ng cellphone. Ganito yung kwento. As usual, traffic na naman sa bandang Casino Filipino sa Paranaque. Mas mabilis pa ang pagong sa usad ng mga sasakyan promise. Eh di ako since pagod na pagod na talaga ako, stack up lang ako sa kinauupuan ko. Nakatulala. Tinitingnan ung ibang pasahero, baka may cute =p. Tapos napatingin ako sa pinakadulo ng upuan malapit sa driver. May babaeng nagtetext. Sabay sa isang iglap wala na siyang cellphone na pinipindot. Ganon kabilis ung pangyayari. I mean ung snatcher. Grabe, medyo bumilib din ako sa snatcher. Dati yata siyang athlete na pinapanlaban ng Pilipinas sa Olympics. Mabilis na yung kamay, mabilis pang tumakbo. Hanep na Hanep! Yung babae nakakaawa talaga. Medyo natawa pa nga ako sa expression ng mukha niya, parang iiyak na nagpipigil. Basta weird. Sabay yung isang lalaki dada ng dada about pano niya napansin na ung snatcher has been follwing our jeep for wuite some time. Gusto ko tuloy sabihan na "Baket wala kang ginawa?". Duh...

At para nga pala sa future na manghihingi ng kopya ng A Little Bit ng MYMP, eto ung details,

Punta kayo sa Streamolad. Tapos enter niyo sa username at password alittlebit. Sa mga hindi alam kung pano i-download, punta muna kayo sa inbox. Tapos check niyo yung checkbox katabi ng file ng A Little Bit, para ma-activate ung "Download" na icon sa toolbar. Tapos click niyo lang siya...w8 niyo matapos.ENJOY!!!
Posted by Unggoy on April 28, 2004 at 03:52 AM | Saging anyone?
Susmaryosep! Ilang araw, rather weeks, na ba akong di nakapag-post dito? I lost track of time sa sobrang dami ng pesteng projects na walang habas na itinambak sa amin! *Na hindi pa nga nagawa ng maayos yung iba sa sobrang hirap at sobrang kakapusan ng oras* Sabayan mo pa ng paparating na final exams, ayun...kabaliwan ang nakuha namin. Ilang araw na rin akong walang matinong tulog, dinaig ko na nga yata ang mga kwago sa puyatan. Nakakabaliw talaga!

Pero sa wakas tapos na ang kalbaryo...BAKASYON na naman! Wohooooo! Babawi talaga ako ng tulog, tatalunin ko si Snorlax. Note: para sa mga feefol na ngaun lang nakita ang term na itich, si Snorlax ay isang uri ng POKEMON na walang ginawa kundi matulog, at magigising lang pag narinig ang tunog ng Pokeflute. At pag nagising naman siya eh walang siyang gagawin kundi kumain. Ganyang-ganyan ang plano ko ngayong bakasyon...pero wish ko lang na di ako bulyawan ng mga tao sa bahay para gisingin at pagsabihan na TAMAD!, na feeling ko ay 99.9% ang probabality na mangyari =p

Bwiset talaga yang Friendster na yan! Grabe, kahit exam na namin eh walang pinag-uusapan ung iba kong klasmeyts (na tinatawag ko ring Tropang Friendster Gangsta pag di sila nakatingin) kundi tungkol nga sa sinumpang site na yan. Kung hindi paramihan ng friends eh nagsisingilan naman ng testimonials, na para bang dun nakasalalay ang buhay nila. Napapansin ko nga pag nagkasalubong kayo eh imbes na ngitian ka o kaya batiin ka ng isang pacute na "Hi!" o kaya nama'y halatang plastic na "Hello!", rather eh sasalubugnin ka ng isang maasim na mukha, sabay sabing "Hoy!Testi ko!". Feeling ko yan na ang papalit sa mga standard na greetings natin. WISH KO LANG! Tapos meron pang mga pinopost na mga anik-anik na di naman talaga mahalaga, gaya ng mga "100 things about me" o kaya nama'y "A-Z things achuchu" na masarap mag-reply ng "Paki ko chuva!". Pati nga ang industiya ng chain letters napasok na ang Friendster. Parang kuto na humawa sa buhok ng kungsinuman.

Oo nga pala, add niyo ako ha? Eto email ko - lt_pugo69@yahoo.com. Testi ko rin ha?
Posted by Unggoy on April 28, 2004 at 03:30 AM | Saging anyone?
Yahoo! Natapos ko rin ung project namin sa literature...Letseng literary criticism yan...sinira ung aking circadian rhythm *charing*...

Kaya lang, di pa tapos kalbaryo ko...may 3 projects pa bale ako na nag-aabang ng atensyon at pagmamahal ko *sniff*...

"What if God smoked cannabis..."
Parehas na kami...
BANGAG!!!
Posted by Unggoy on April 17, 2004 at 01:55 AM | 3 banana peelings
Sobra na to!!!DI ko na kaya...tinambakan kami ng projects...ang masama pa nito puro typing...which I have to say is my most hated form of project. Ilang araw na rin akong walang matinong tulog...

I overslept pa kanina...mga 12 hours din akong nakatulog...sakit tuloy ng ulo ko....Sobra na talaga to...napilitan pa akong mag0skip ng isang klase para lang maka-uwi ng bahay at makatulog kahit sandali...

HIRAP TALAGA MAGING COLLEGE!!!
Posted by Unggoy on April 16, 2004 at 01:27 AM | 2 banana peelings
« Newer · »